Vice Ganda, deadma sa bashers

Deadma sa mga bashers sa social media si Vice Ganda dahil sa pagbawi ng kanyang apology sa isang segment sa kinabibilangan nitong noontime show.

Maalalang binatikos ang kanyang reaksyon matapos subukan ng isang lalaking contestant na halikan sa pisngi ang isa pang babaeng contestant nang walang consent.

Ayon sa mga netizens, sana’y pinagsabihan na lang ni Vice nang maayos ang lalaki off-camera at hindi pinahiya, lalo na’t parang hindi naman daw intensyon ng lalaki na ma-offend ang babae.

Mas lalo pang lumaki ang isyu nang magsalita ang babae at sinabing hindi naman siya na-bother sa ginawa ng lalaki, na kalaunan ay binawi niya rin at inaming hindi niya ito nagustuhan.

Giit naman ni Vice sa isang statement, hindi mali ang kaniyang ginawa dahil naniniwala ang buong production ng noontime show na walang masamang pagsabihan ang lalaki sa usaping “consent.”

Sa kabila ng mga batikos, tila unbothered pa rin si Vice sa mga bashers sa social media at idinadaan na lang sa mga jokes ang kanyang mga natatanggap na bashing online nitong mga nakaraang araw.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *