Mga akusasyon ng China, layuning ilihis ang totoong nagaganap sa WPS

Inihayag ng Armed Forces of the Philippines (AFP) na isang halimbawa ng “malign influence operation” ang bagong akusasyon ng China sa Philippine Navy, na sinira umano nito ang mga lambat ng mga mangingisdang Tsino sa Ayungin Shoal.

Ayon kay AFP spokesperson Colonel Francel Margerath Padilla, nilalayon nitong ilihis ang mga totoong nagaganap sa pinagaagawang teritoryo, kabilang na ang patuloy na ilegal, mapilit, agresibo, at mapanlinlang na mga aksyon at aktibidad ng China sa West Philippine Sea.

Read More:  Zubiri apologizes to Inday Badiday’s family

Aniya, hindi na papatuluan ng ahensya ang mga bagong akusasyon dahil mismong ang presensya pa lang ng mga sasakyang pandagat ng China sa loob ng Exclusive Economic Zone (EEZ) ng Pilipinas ay ilegal na.

Read More:  Lacson: online participation may not be allowed in impeachment trial

Bukod sa paninira ng mga lambat ng mga Tsino, inaakusahan rin ang mga Pilipino na iniligay at kinuha nito ang mahigit 100 metrong fishing net sa BRP Sierra Madre matapos makaalis ang mga mangingisda mula sa China.