Alas Pilipinas U-18, sasabak sa dalawang kompetisyon ngayong buwan

Sasabak sa dalawang kompetisyon ang Alas Pilipinas U18 women’s volleyball team ngayong buwan.

Sisimulan ng Philippine team ang pagsabak nito sa international level 22nd Princess Cup SEA U18 Women’s Volleyball Championship sa Sabado, June 16 at magtatagal hanggang June 13.

Susundan naman ito ng kanilang paglaban sa 5th Asian Women’s U18 Volleyball Championship mula June 16 hanggang June 23.

Napabilang naman ang PH team sa Pool B kasama ang Japan at Iran para sa AVC tournament.

Nakapaglaro na rin ang koponan ng tune-up games sa Thailand na magsisilbing paghahanda para sa mga paparating nitong torneo.

Photo from Volleyball Philippines

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *