Vice, aminadong nasaktan sa pamumuna ng mga tao matapos nitong mag-abot ng tulong

Aminado ang komedyante na si Vice Ganda na minsan na itong nasaktan mula sa mga puna na kaniyang natanggap kaugnay sa pinansyal na tulong na naibigay niya sa dati niyang katrabaho, matapos maisapubliko ang halaga nito na P20,000.

Inihayag ito ni Vice sa isang segment ng It’s Showtime, sa gitna ng interview nito ang isang contestant na nagbabahagi ng kwensto tungkol sa pagtulong nito sa mga gastusin ng kapatid nito kahit pamilyado na siya.

Dahil sa kanilang pag-uusap ay nakapagbahagi si Vice ng sarili niyang karanasan kaugany sa boluntaryong pagbibigay ng pinansyal na tulong sa isang nangangailangan, kung saan ay nakatanggap lang ito ng negatibong mga reaksyon.

Ayon kay Vice, marami siyang natanggap na komento na kumukwestyon sa kaniyang intensyon matapos maisapubliko na umabot sa P20,000 ang naitulong niya.

Ipinunto ni Vice na nabasa niya sa mga comments, ‘Gano’n lang pala ang binigay ni Vice Ganda, P20,000 lang?’

Dagdag niya, “Napalunok ako. Pag ako ba ‘yung tumulong, dapat may presyo?”

Iginiit niya, “Tumulong na ako nang kusa, ayoko ko ngang magpa-acknowledge kaya hindi ko sinasabi. Pero ‘yung nilabas mo ‘yung pangalan ko, tapos inokray pa ako, nasaktan ako talaga,”