Vaccines ng pribadong sektor, inaasahang makakatulong sa ligtas na reopening ng ekonomiya – Concepcion

Naniniwala si presidential adviser for entrepreneurship at Go Negosyo founder Joey Concepcion na ang bagong batch ng AstraZeneca vaccines na binili ng pribadong sektor ay makatutulong para sa mas ligtas na pagbubukas muli ng ekonomiya sa gitna ng COVID-19 pandemic.

Sa isang pahayag ay sinabi ni Concepcion na “very timely” ang shipment ng 661,200 doses, na ikatlo na ngayong buwan, sa gitna ng paglaganap ng mas nakakahawang Delta variant.

Read More:  Palace open to corruption probe with sufficient evidence

Ipinunto ni Concepcion na kailangan na ng bansa madaliin ang rollout ng mga bakuna sa tulong ng mga bagong shipment, na magagamit ng pribadong sektor para sa kanilang mga empleyado.

Read More:  House prosecutor calls ‘kill criminals’ posts ‘cute,’ rejects iron fist

Mababatid na winelcome nina National Task Force against COVID-19 chief implementer Carlito Galvez Jr. at AstraZeneca country president Lotis Ramin ang pagdating ng mga bakuna na binili sa pamamagitan ng A Dose of Hope initiative ng Go Negosyo, sa Ninoy Aquino International Airport.