Sinulit ng TV host na si Vhong Navaroo ang kanyang “early Christmas gift” sa pamamagitan ng paglalaan ng oras para sa kanyang mga mahal sa buhay.
Sa tweet , ibinahagi ni Bianca Lapus na nagkaroon ng quality time si Vhong sa kaniyang anak na si Yce matapos na payagang makapagpiyansa ng Taguig Regional Trial court noong December 6.
Nauna na niyang ipinagtanggol ang dating asawa sa social media at ibinahagi kung gaano kabuting tao ang actor-entertainer.

Ang dalawa ay dati nang ikinasal mula 1998 hanggang sa kanilang annulment noong 2008. Kasalukuyang kasal si Vhong kay Tanya Bautista.
Samantala, sinabi naman ni Atty. Mariglen Abraham-Garduque, na pinaghahandaan na nila ang kasong isinampa laban kay Navarro. Sinabi niya na handa na sila para sa paglilitis na nakatakdang mangyari sa Pebrero ng susunod na taon.//CA