Libu-libong mamamayan ng Bangladesh ang nagprotesta para igiit ang pagbibitiw ni Prime Minister Sheikh Hasina.
Nais rin ng mga ito na buwagin ang kanilang parliamento at bigyang-daan ang bagong halalan.
Ang malawakang protesta ay inorganisa ng oposisyon na Bangladesh Nationalist Party (BNP), na inaakusahan si Hasina na hindi natugunan ang pagtaas ng presyo ng gasolina at ang halaga ng pamumuhay ng mga tao sa bansa.

Tinawag naman ni Hasina ang mga opposition leaders na “mga arson terrorists” at binalaan ang publiko laban sa pagpapahintulot sa BNP na bumalik sa kapangyarihan.
Ang Bangladesh Awami League, na pinamumunuan ng 75-taong-gulang na si Hasina, ay nasa kapangyarihan simula pa noong 2009.//CA