Senate, aprubado na 2nd reading ang panukalang nagbibigay ng PH citizenship kay Justin Brownlee

Inaprubahan ng Senado kahapon sa ikalawang pagbasa ang House Bill No. 6224 na naglalayong bigyan ang Barangay Ginebra import ng Filipino citizenship.

Si Senator Francis Tolentino, na nag-sponsor ng panukala, ay humiling sa kanyang mga kapwa senador na ma fast-track ang naturalization process ni Brownlee  para  palakasin ang national team sa mga darating na buwan.

Kung magpapatuloy ang kanyang naturalization, inaasahang makikita sa aksyon si Brownlee sa ikaanim na window ng FIBA ​​World Cup Asian Qualifiers, kung saan maglalaro ang Pilipinas  laban sa Lebanon at Jordan sa Pebrero.

Magiging welcome addition din si Brownlee sa pagsisikap ng Gilas Pilipinas na bawiin ang gintong medalya sa Southeast Asian Games sa Cambodia sa Mayo.

Binigyang-diin ni Tolentino na kailangan rin mapadali ang proseso dahil kailangan ding kumuha ng Philippine passport si Brownlee bago siya makapaghanda para sa pambansang koponan.//CA