Nagpahayag ng pagsuporta ang dating asawa ni Vhong Navarro na si Bianca Lapus, sa gitna ng utos na pagsasampa ng kaso sa aktor.
Kaugnay nito, inilarawan ni Lapus si Navarro bilang “good man,” na hindi man umano perpekto ay good kind-hearted man.
Giit nito, the truth will prevail. Walang iwanan.
Matatandaan na inaakusahan si Vhong ng panggagahasa sa model na si Deniece Cornejo noong 2014.
Pero sa gitna nito, kinasuhan rin ni Navarro si Cornejo at ang kanyang mga “rescuers” kabilang na ang negosyanteng si Cedric Lee, dahil siya umano ay senet-up, binugbog, at kinikilan.
Ang kaso ay muling lumutang nang ipag-utos ng Court of Appeals sa Taguig City Prosecutor na maghain ng rape at acts of lasciviousness laban kay Navarro.
