Veterinary quarantine checkpoints sa Koronadal, tuloy-tuloy

KORONADAL CITY — MANANATILI paring mahigpit ang mga veterinary quarantine checkpoints sa Koronadal lalo na sa mga pork products na papasok sa lungsod.

Ito ang pinasiguro ni City Veterinarian Dr. Charlemagne Calo sa kabila na nananatili paring African Swine Fever o ASF free ang South Cotabato.

Read More:  Several children saved in Davao del Sur anti-online sexual abuse raid

Inihayag ng opisyal, na sa kabila nito, kailangan padin ang veterinary quarantine permit, veterinary shipping permit at may veterinary health record na maipakita bago makapasok ang mga pork products sa lungsod.

Pinaaalahanan din ang lahat ng mga nagbebenta ng karneng baboy sa mga talipapa na maaaring kumpiskahin ang kanilang ibinebenta sakaling hindi dumaan sa slaughter house at walang veterinary certificate.

Read More:  Police captain killed in shooting inside Capiz KTV bar

Samantala, patuloy na hinihiling ang publiko na nag-aalaga ng baboy na ipa-insure ang mga ito sa Philippine Crop Insurance Corporation o PCIC.