Veteran Senators, may payo sa mga bagitong mambabatas

Nagbigay ng payo ang beteranong mambabatas na si Senate Minority Leader Frank Drilon ang mga bagitong senador.

Ayon sa graduating senator, dapat daw ay mag-umpisa nang mag-aral ang mga neophyte lawmakers.

Tila nasa loob daw kasi ng aquarium ang mga senador dahil buong bansa ay nakabantay sa bawat kilos nila.

Read More:  Palace seeks reconsideration of SC ruling on unprogrammed funds

Samantala, sinabi naman ng dating senate president na si Senador Koko Pimentel na kinakailangan nang magbasa-basa ng Konstitusyon ang mga bagong senador.

Aniya, kailangang ma-familiarize ang mga ito sa batas ng Pilipinas, pati na rin sa mga rules sa Senado.

Read More:  Palace urges Bato dela Rosa to surrender amid warning of potentially bloody arrest

Maari rin umanong mag-hire ng staff ang mga ito.

Sa kabila nito, mayroon naman aniyang idinaraos na seminar sa Senado para sa mga bagong luklok na senador para mas mapadali ang pagta-trabaho ng mga ito.
#