Puspusan na ang paghahanda ng Department of Interior and Local Government para sa mga gagawing hakbang ng transition team sa susunod na kalihim ng kagawaran.
Kinumpirma ni Interior Secretary Eduardo Año na sa pagpasok ng buwan ng Hunyo ay nakatakda na silang magpulong ni dating MMDA chairman Benhur Abalos.

Aniya, tiwala naman ito sa kakayahan ni Abalos bilang dating tagapamahala ng MMDA.
Naniniwala umano siyang magkakaroon ng maayos na direksyon ang incoming secretary para sa pagpapatupad ng mga programa at pamumuno ng mga LGUs.
Nakatrabaho na rin umano niya si Abalos noong kasagsagan pa ng mataas na kaso ng COVID-19 at napatunayan niyang maganda ang pandemic response ni Abalos sa Metro Manila.
Umaasa naman siyang ipagpapatuloy ng bagong DILG secretary ang kampanya laban sa kriminalidad at droga ng patapos na administrasyon.
#