Sen. Padilla, naghain na ng resolusyon para sa pagshift ng bansa sa pederalismo

Naghain na si Senator Robinhood Padilla ng resolusyon na magsusulong para sa pagshift ng bansa sa pederalismo at parliamentary government.

Sa Resolution No. 6, binigyang diin ni Padilla kung gaanu labis na nacentralized ang economic growth ng bansa sa Metro Manila at mga kalapit na lugar nito, gaya sa Central Luzon at Calabarzon.

Read More:  DepEd completes nationwide orientation on reforms for SY 2026–2027

Giit ng senador na ang 1987 Constitution ay “stumbling block” para sa equitable economic growth, isang isyu na una nang inihayag ng mga federalists, pero napigilan dahil sa hindi pagkainteres ng Kongreso, at malamig na pagtanggap ng publiko.

Dahil dito, hinihimok sa resolusyon ni Padilla ang Senate committee on constitutional amendments, na kanyang pinamumunuan, na pag-aralan ang 1987 Constitution at ipakilala ang mga modifications.

Read More:  DENR preparing for possible impact of Super El Niño

Matatandaan na nagsagawa ng kaparehong pag-aaral ang komite hingil sa Charter change noong 18th Congress.

Ang pagbuhay sa pagsusulong sa federal form of government ay isa sa senatorial campaign promises ni Padilla.