Pormal na magsusumite ang Vaccine Expert Panel ng rekomendasyon kaugnay sa interval period ng COVID-19 booster doses sa Food and Drug Administration sa Biyernes.
Kinumpirma ito ni Health Secretary Francisco Duque.
Naniniwala naman si Duque na posibleng nasa 3-4 na buwan ang irerekomenda na interval period.
Sa kasalukuyan ay maaring maturukan ang mga fully-vaccinated na indibidwal ng booster shots pagkatapos ng anim na buwan mula nang matanggap nila ang primary doses ng maraming vaccine brands.
Samantala, nasa tatlong buwan naman ang interval para sa mga tumanggap ng Janssen vaccine.
