UP Department of History, binatikos ang pag-alis sa imahe ng WWII heroes sa P1000

Binatikos ng University of the Philippines’ Department of History ang pag-alis ng Bangko Sentral ng Pilipinas sa imahe ng World War II heroes mula sa P1,000 na papel.

Sa isang pahayag ay sinabi ng departamento na sampal sa mukha ng mga bayani na sina Jose Abad Santos, Josefa Llanes Escoda, at Vicente Lim ang naturang hakabng ng central bank.

Read More:  PDEA probes possible Davao drug syndicate link to 521 kilos of shabu seized on Laos

Ipinunto nila na dapat ay nagsagawa ang BSP ng konsultasyon kasama ang publiko bago ang anuman pagbabago sa disenyo ng pera.

Iginiit ng departamento na noong panahon pa ng Hapon noong huling beses na walang public consultation na ginawa para sa pag-iisyu ng pera, kung saan ay ginamit ang “Mickey Mouse” money.

Read More:  Henry Aguda quits as DICT chief amid controversies

Una nang nilinaw ng central bank na bagamat maglalabas ito ng P1,000 na papel na may Philippine Eagle na disenyo, ay hindi pa rin mawawala sa sirkulasyon ang bersyon nito na may mukha ng 3 bayani.