Nahihirapan ngayon ang maraming British hospitals, partikular na sa London, matapos tamaan ng COVID-19 ang marami sa kanilang mga tauhan.
Ayon kay Royal College of Emergency Medicine president Katherine Henderson, kahit wala pang pagtaas sa hospitalizations ay makikita na ang epekto ng surge.
Ipinunto niya na hindi sapat ang mga tauhan sa mga pagamutan para mapatakbo ang mga shifts sa maayos at ligtas na paraan.
Nitong Miyerkules ay naitala ng Britain ang pinakamataas nitong bilang ng bagong COVID-19 cases mula nang mag-umpisa ang pandemya matapos nitong umabot sa 78,610.
