Vape law, dapat nang irepaso – DOH

May ilang gustong baguhin ang Department of Health (DOH) sa umiiral na batas hinggil sa paggamit ng vape.

Ito ay kasunod ng napaulat na insidente ng pagkamatay dahil sa vape.

Sa panayam ng Brigada News FM kay DOH Asec. Albert Domingo, sinabi nitong isa sa nais nilang repasuhin ay ang jurisdiction, kung aling ahensya dapat ang nagbabantay sa produktong vape na nagdudulot ng usok na pumapasok sa baga ng tao.

Paliwanag niya, sa ngayon kasi’y DTI ang may kapangyarihan para i-regulate ang mga vape products; samantalang ang lahat naman ng mga produktong ipinapasok sa katawan ng tao; pati na rin ang mga ipinapahid, ay dumaraan sa FDA.

Read More:  BI proposes P247 airport fee for security modernization

Maliban dito, dapat rin daw mabago ang age of access sa vape.

Ang pinakabatang e-cigarette or vaping use-associated lung injury, ‘o ‘yung EVALI ay 15-16 years old.

Iginiit din ni Domingo na dapat ay mawala na ang libu-libong flavors ng vape.

Sa ngayon – hinikayat niya ang publiko na mag-quit na sa paninigarilyo at sa pagbe-vape.

Read More:  Sen. Jinggoy Estrada surrenders to CIDG

Aniya, kahit ang mga gustong tumigil sa pagbe-vape ay maaari ring tumawag sa kanilang DOH Quitline na 1558.

Maaalalang noong nakaraang linggo nang kumpirmahin ng DOH ang pagkamatay ng isang 22-anyos matapos atakehin sa puso.

Wala umano itong ibang sakit, at wala ring history ng COVID-19 infection.

Aktibo rin daw ito at mahilig mag-basketball.

Bagamat ‘di naninigarilyo – araw-araw daw siyang nagbe-vape sa loob ng dalawang taon.