Van na sinakyan ng apat na namatay  sa aksidente sa Sta. Lucia, colorum-Charing Trans.

Walang franchise o colorum ang van unit na naaksidente sa National Highway ng Barangay Sta. Lucia sa Puerto Princesa City, ayon sa Charing Transport.

Ayon kay Rolly Jara, In-charge for Operation ng Charing, pribadong indibidwal na ang may-ari ng shuttle van na naaksidente at hindi iyon sa Charing.

Read More:  Army recovers firearm, IED after clash in Northern Samar

Pinayuhan na raw nya ang may-ari nito noon na alisin ang pangalan na “Charing” sa van unit ngunit hindi ito nakinig kahit hindi pa umano kompleto ang papeles.

Read More:  Bacolod’s P6.1B loans frame dispute between political allies

Nais raw kasi ng may-ari nito na mapabilang ang unit sa naturang transport service subalit may kinakailangan pang papeles.

Gayunman, tumulong na ang Charing transport sa mga pamilya ng mga pasaherong naaksidente at namatayan sa disgrasya kahapon.