KORONADAL CITY- EXTENDED ang validity ng registration ng mga motor vehicles na may plate number na nagtatapos sa number 7.
Batay sa Public Advisory ng Land Transportation Office o LTO Region 12, ang mga mag-eexpire na rehistro ngayong Hulyo ay valid pa hanggang sa August 31, 2022.
Dahil dito, walang surcharge o penalty ang mga magpaparehistro hanggang sa naturang petsa.
Layunin ng extension na masiguro ang striktong implementasyon at observance ng social distancing at iba pang health and sanitary protocols upang maproteksyunan ang safety ng mga kliyente at empleyado ng LTO.
