KORONADAL CITY – ISINUSULONG ng Departrment of Tourism o DOT Region 12 ang pagbubukas ng mga permanent position para sa mga tourism officers sa mga local government units (LGU).
Ayon kay DOT Region 12 OIC Armin Hautea na upang mapalakas pa ang tourism potential ng isang lugar, kailangan ng mga LGU na magkaroon ng mga regular positions para sa kanilang tourism offices.
Sa pamamagitan nito, maipagpapatuloy at mapapaigting pa ang mga programa para sa turismo sinuman ang umupong local chief executive.
Sa ngayon kasi, ang ginagawa ng mga LGU ay nagtatalaga lamang ang mga ito ng empleyado bilang concurrent tourism officers habang ang ibang tourism officers ay job order employees lamang.
