Validators para sa mga potensyal na benepisyaryo ng government aid, inihahanda na ng DSWD Bicol

LEGAZPI CITY – Inihahanda na ngayon ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) ang kanilang mga tauhan para sa nalalapit na community validation para sa mga potensyal na benepisyaryo ng government cash grant sa ilalim ng Targeted Cash Transfer (TCT) program sa Bicol region.

Ayon kay Jessica Bechayda, ang DSWD Bicol information officer para sa Listahanan, 17 area supervisors at 139 field validators personnel ang sumasailalim sa pagsasanay para sa nakatakdang deployment bago magtapos ang buwan.

Read More:  24 Chinese nationals arrested in Davao del Norte operation

Ang potensyal na benepisyaryo ay kailangang sumailalim sa pagpapatunay upang suriin kung sila ay karapat-dapat at makita kung may mga duplikasyon at pagkakaiba sa datos.

Aniya, ang TCT program ay hindi isang regular na programa ng DSWD kundi isang cash grant para sa pinakamahihirap na naglalayong pagaanin ang epekto ng pagtaas ng presyo ng gasolina at mga bilihin.

Read More:  DOH-XII records 277 new HIV cases in first quarter of 2026

Sa pamamagitan umano ng validation ay makikita ang aktwal na status ng mga kabahayan tulad ng address, buhay man o namatay at ang kita ng pamilya.

Ang household beneficiary ay makakatanggap ng limangdaang piso kada buwan o tatlong libumpisong cash assistance sa loob ng anim na buwan.

Batay sa datos ng DSWD, mahigit dalawang daang libong kabahayan ang sasailalim sa validation sa Bicol.