Koronadal, kinilala bilang “Most Visited Destination” ng DOT

KORONADAL CITY – KINILALA bilang, “Most Visited Destination” sa SOCCSKSARGEN Region ang lungsod ng Koronadal base sa pinakahuling evaluation ng Department of Tourism o DOT-12 ngayong 3rd quarter ng taon.

Base sa datos, umaabot sa 176, 723 na mga dayuhan ang pumunta sa iba’t ibang mga tourist spot at destination sa lungsod sa nasabing quarter.

Read More:  Rider killed in suspected riding-in-tandem attack in Cebu

Napag-alaman na maliban sa mga lugar na maaring bisitahin sa upper valley ng South Cotabato, may ilan ding mga lugar sa Koronadal na maituturing maganda at kaakit-akit sa mga dayuhan.

Maaalala, na dati ng inilatag ng sang City Tourism Office ang mga lugar sa lungod na kadalasang binibisita kung saan nagiging trade at landmark na ng lungsod ang turismo.

Read More:  4-year-old boy dies, two other minors survive drowning incident in Lapu-Lapu City

Kaugnay nito, nakapag-contribute ng mataas na tourist arrival ang taong 2019 at 2020 kung saan ang giant Christmas tree ng lungsod ang isa sa mga dinarayo.