Vaccine hesitancy sa Metro Manila, nabasag na

Iniulat ni vaccine czar Sec. Carlito Galvez Jr., na nabasag na ng Metro Manila ang vaccine hesitancy o ang pag-aalinlangan na magpabakuna ng mga tao.

Sa katunayan aniya, naitala na sa NCR ang 102 percent fully vaccinated sa mga elderly population nito.

Nakaabot na rin sa 101 percent ang mga nabigyan ng first dose, na ibig sabihin pati mas mga kabataan ay nabakunahan na rin.

Ayon pa kay Galvez, mayroon na ngayong anim na rehiyon ang nasa higit pitumpong porsyento na ng populasyon ang nabigyan ng first dose.

Kabilang dito ang Cordillera Administrative Region, Regions 1,2,3, Region 4A habang humahabol naman ang Region 10. //MHEL PACIA-TRINIDAD