Apat na rehiyon sa bansa ang tututukan ng pamahalaan para mapalakas ang bakunahan sa ikalawang yugto ng National Vaccination Days.
Ayon kay vaccine czar Sec. Carlito Galvez Jr., kabilang sa mga rehiyong ito ay ang MIMAROPA, Region 5 o Bicol Region, Region 12 at BARMM.
Sinabi ni Galvez na layunin nitong mapataas pa lalo ang vaccination capacity at vaccination output sa mga rehiyong ito.

Samantala, hindi tuloy ngayong araw ang mass vaccination sa mga lugar na maaring tamaan ni Bagyong Odette, sa halip ito ay ipinagpaliban sa Dec. 20 hanggang 22. //MHEL PACIA-TRINIDAD