DOH – Lahat ng rehiyon sa PH, minimal risk na sa covid-19

Nananatiling nasa minimal risk sa covid-19 ang lahat ng rehiyon sa buong bansa.

Ayon kay Dr. Alethea De Guzman, Director ng Epidemiology Bureau ng Department of Health (DOH) na nakapagtala ng negative two-week growth rate ang lahat ng rehiyon.

Read More:  VP Sara Duterte camp vows full cooperation in Senate impeachment trial

Gayunman, sinabi ni De Guzman na binabantayan nila ang Region 12 at Region 5 dahil sa one week positive growth rate.

Nasa seven percent kasi ang growth rate sa Region 12 at three percent naman sa Region 5 sa nakalipas na isang linggo.

Read More:  President may appoint senator or lawmaker as replacement if VP Sara is impeached

Samantala, base sa datos, lumalabas na low risk pa rin ang health system capacity sa lahat ng rehiyon sa Pilipinas, habang bumaba ang case fatality rate kung saan mula December 1 hanggang 14 ay labing-apat lamang ang naitalang nasawi dahil sa covid-19.

Dagdag pa ni De Guzman, patuloy ang downward trend sa aktibong kaso ng covid-19 sa bansa. //MHEL PACIA-TRINIDAD