Vaccination site sa SM City Cauayan, nagmistulang “kiddie zone”

Nagmistulang Kiddie Zone ang vaccination site sa SM City Cauayan kasabay ng roll out ng vaccination sa mga batang edad 5 hanggang 11 taong gulang sa ngayong araw, February 14, 2022.

Sa panayam ng 92.9 Brigada News FM Cauayan kay Public Relations Manager Krystal Gale Agbulig, naglagay sila ng mga laruan sa entrada ng vaccination site kung saan pwedeng maglibang muna ang mga bata.

Naglaan sila ng mga lugar kung saan maaaring maghintay ang mga bata kasama ang kanilang mga magulang o guardian upang hindi magkumpulan sa registration area.

Read More:  24 Chinese nationals arrested in Davao del Norte operation

Mayroon din aniyang screening muna, counseling kung saan ipinapaliwanag  sa mga magulang at mga bata mismo ang mga dapat at hindi dapat gawin kapag nabakunahan na.

Pagkatapos nito ay diresto na ang mga bata sa vaccination area at mayroon ding inilaalang lugar kung saan imomonitor ang mga nabakunahang mga bata.

Read More:  Kabankalan MSMEs prove their mettle at Negros Trade showcase

Mayroon din aniya silang inihandang treats para sa mga bata na ibinibigay paglabas sa vaccination area.

Nagsimula aniya ang bakunahan dakong alas-7 kaninang umaga at ayon sa CHO mayroong 200 slots ang inilaan para mabakunahan.

Samantala, ayon sa mga magulang nagdesisyon silang payagan na mabakunahan ang kanilang mga anak bilang proteksyon umano ng mga ito mula sa COVID-19 at bilang paghahanda sakaling magkaroon na ng face-to-face classes.