Vaccination coverage sa probinsya ng catanduanes umabot na sa 35% ng target population

BNFM BICOL—Umabot na sa kabuuang 274,839 na mga indibidwal sa islang lalawigan ng Catanduanes ang bakunado na kontra COVID-19.

Batay sa pinaka latest na ulat ng Provincial Health Office, as of December 13, 2021 nasa 179,249 na mga indibidwal o 79% ng current target population ang tumanggap na ng kanilang first dose ng bakuna habang nasa 95,590 individuals o 42% ng current target population ang fully vaccinated na kontra sa naturang sakit.

Read More:  10 dead in Malapatan, Sarangani landslide; two families buried

Bunsod nito, naabot na ng Catanduanes ang 35% ng vaccination coverage sa  kabuuang populasyon  ng probinsya na target maturukan ng COVID-19 vaccine.

Read More:  One lane reopens after landslide strand motorists in Glan, Sarangani

Kaugnay nito, patuloy naman ang paghikayat ng naturang tanggapan sa publiko na makiisa sa nagpapatuloy na vaccination roll out sa isla upang mapabilis ang pag-abot ng herd immunity.###