Philippine Coast Guard handa sa anumang distress call sa dagat man o sa lupa kaugnay sa bagyong Odette

CAMARINES NORTE- Tiniyak ng Philippine Coast Guard ang kahandaan ng kanilang personnel at equipment kaugnay sa bagyong Odette na nasa kategoryang Typhoon.

Kaninang umaga ay nagkaroon ng accounting sa kanilang personnel gayundin sa mga kagamitan nito sakaling kailanganin.

Inihanda ng PCG ang mga search and rescue equipment tulad ng speedboat, life vest at iba pa.

Read More:  2 killed, 1 hurt in Tagum City pedicab shooting

Ayon sa PCG nakahanda  ang kanilang Deployable Response Groups para sa anumang distress call sa dagat man o sa lupa.

Patuloy din ang paalala sa mga mangingisda na iwasan munang pumalaot dahil sa maalon hanggang sa napakaalong kundisyon ng karagatan.

Ayon sa Pagasa, asahan ang mahigit sa dalawa hanggang sa mahigit apat na metrong taas ng alon na lubhang mapanganib sa mga maliliit na sasakyan pandagat.

Read More:  Wounded NPA member rescued after Negros encounter

Habang inaalerto naman ang mga nakatira malapit sa mga baybaying dagat.

Sa ngayon ay nakakaranas ng mahihinang pag ulan sa lalawigan ng Camarines Norte simula pa kagabi.

Sa kabila naman ng hindi kagandahang lagay ng panahon ay hindi napigilan ang mga mananampalatayang katoliko na magsimba s aunang araw ng Misa de Aguinaldo upang ipahayag ang kanilang debosyon.