BICOL- Aabot na sa 1, 508 ang kabuuhang bilang ng naistranded na pasahero sa mga port area ng Bicol Region dahil sa Bagyong Odet.
Ito ay ayon sa pinakahuling datus na ibinaba ng Philippine Coast Guard (PCG) Bicol, matapos ang patuloy na kanselasyon ng byahe ng mga barko dahil sa nakataas na sa storm signal No.1 ang nasabing rehiyon.
Base sa tala, aabot ng 176 ang bilang ng naantalang pasahero sa Albay Pioduran Port; 14 sa Virac Port at 4 sa San Andres Port ng Catanduanes; 4 naman na pasahero ang stranded sa Placer Masbate; 25 sa Pilar Port habang ang Matnog Port naman sa lalawigan ng Sorsogon ang may pinakamaraming bilang ng stranded passenger kung saan umabot na ito ng 1274.
Samantala, umabot na rin sa 574 ang kabuuang bilang ng stranded na rolling cargoes sa Bicol Region na siyang kinabibilangan ng 93 behikulo sa Pioduran Port Albay; 5 sa Virac Port at 2 sa San Adres Port ng Catanduanes; habang 468 namna ang sasakyang naatala sa pantalan ng Matnog.
Sa ngayon, nasa 11 sasakyang pandagat at 2 motorbanca naman ang stranded sa mga pantalan.
Patuloy naman ang paalala ang tanggapan na mahigpit pa rin na ipinagbabawal ang pagpunta sa laot ng mga mangingisda dahil sa naglalakihang alon dulot ng bagyong Odet.
Kaugnay nito, tiniyak ng Police Regional Office 5 ang kahandaan ng pulisya kung sakaling magbago ang tinatahak na landas ni “Odette” at tamaan ang rehiyon ng Bicol. Nagpalabas na rin ng direktiba si PBGEN JONNEL C ESTOMO, RD, PRO5 hinggil sa pagbuo ng Reactionary Standby Support Unit (RSSF), Search and Rescue (SAR) Team; at Quick Response Team (QRT) na siyang mangangalaga at isasabak para sa mga rescue operations, clearing operations, relief operations at iba pa