Vaccination center ng Olongapo, mangangailangan ng dagdag na bilang ng mga tauhan

Umaasa ang Local Vaccination Operations Center o LVOC ng Olongapo na madadagdagan pa ang manpower kapag dumami ng husto ang suplay ng bakuna kontra corona virus disease.

Ito ay dahil plano ng LVOC na magbukas ng dalawa pang vaccination sites bukod pa sa dalawang operational na.

Ayon kay City Health Officer Dr.Doods Bustamante, bukod sa mga health staff na pahiram ng PNP at Bureau of Fire Protection ay mayroon ding labing apat na nurses mula sa Department of Health ang tumutulong ngayon sa pagbabakuna.

Ganunpaman, sinabi ni Bustamante na baka kailanganin ang mas maraming tauhan sa oras na dumami ang suplay ng anti-covid-19 na gagamitin sa mga bubuksang vaccination sites.//Christian Andres-BNFM OLONGAPO

May be an image of text that says 'Isang sachet a day, ginhawa ang dala all SHOP day! NOW! Lazada Power Cells Salabat Herbal Mix Ginger Brew Salaba Cells laba 6IN bd Power Cells 6IN 1 Salabat HexGew Mix Ginger Brew Net Content: 10g Sachets ww.aa- www.powercells.ph'

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *