CAMARINES NORTE- Hindi na papayagang pumasok sa opisina ng Camarines Norte Water District at Primewater ang mga hindi bakunado kontra COVID- 19.
Nitong Martes ay inanunsiyo ng Primewater sa pamamagitan ng kanilang official facebook page na required nang magpakita ng vaccination card ang sinumang papasok sa naturang opisina.
Sa mensahe sa Brigada News FM Daet sinabi ni Primewater Branch Manager Engr. Mark Anthony Muroda na base sa advice ng kanilang central office ay fully vaccinated lang dapat ang papasukin sa kanilang opisina.
Gayunman bibigyan na lamang daw ng kunsiderasyon ang mga nakatanggap na ng first dose para hindi hassle sa pagbabayad.
Kasabay nito ay hinikayat ng Primewater ang mga magbabayad ng bill sa tubig na gamitin ang online payment channels at customer service lines para sa kaginhawahan at kaligtasan sa pagbabayad.
Ginawa ang hakbang na ito dahil sa patuloy na pagtaas ng mga naitatalang kaso ng COVID- 19 at sa gitna ng banta ng Omicron variant.
Mayroon naman aniyang mga bayad centers para dito na lamang magbayad ng bill na hindi na kailangang magtungo pa sa tanggapan ng Primewater.
