Vaccination Card, no need na sa graduation rites- Dep Ed

Hindi na hihigpitan ang mga magulang na hindi covid-19 vaccinated sa moving up ceremony o graduation rites ng kanilang anak.

Kinumpirma ni Gina Francisco, Division Information Office ng City Dep Ed na may instruction na si Division Superintendent Dr. Loida Palay Adornado na epektibo ang kautusan sa lahat ng paaralan sa Puerto Princesa.

Read More:  14-year-old PWD dies in Cebu house fire

Dagdag pa niya na nasa guidelines na isang parent lang ang dapat um-attend at dahil nasa Alert Level 1 covid-19 status na din ang Puerto Princesa kaya hindi na dapat higpitan ang mga magulang.

Sa kabila nito ay pinatitiyak pa rin ng Division Superintendent na dapat  ay mahigpit pa rin na maipatupad ang minimum health protocol.

Read More:  Missing 19-year-old woman found dead in Cebu

Kaugnay nito, no need na din sa mga paaralan sa munisipyo ang vaccination card sa pag-attend ng magulang sa graduation rites, ayon kay Public Information Officer Ms. Mylyn Dilig ng Provincial Dep Ed.