Ilang estudyante , hinimatay sa moving up ceremony sa Puerto Princesa

Hinimatay ang ilang estudyante habang ginaganap ang moving up ceremony ng Palawan National School sa Puerto Princesa City Coliseum nitong Lunes, June 27, 2022.

Iniugnay ito sa mainit na sitwasyon dahil sa dami ng mga estudyante sa loob ng pasilidad kahapon.

Ayon kay City Coliseum Manager Jan Charle Ligad sa panayam ng Brigada, bago pa mangyari ang insidente ay sinabihan niya na ang coordinator ng paaralan tungkol sa status ng mga aircon units sa coliseum kung saan ang tatlo sa itaas o centralized air conditioning units ay hindi gumagana.

Read More:  Missing 19-year-old woman found dead in Cebu

“Kung lalagpas tayo ng 1, 000 [students] ay baka hindi kayanin palamigin talaga. So magpo-provide din kami ng industrial fan pero sa mga 8 lang ‘yun, baka pwede mag-provide din sila , ok daw , i-announce na lang nila[ ng coordinator] ”.

Pasado alas-dose na aniya ng tanghali kahapon nagsimula ang march pero alas-otso pa lang ng umaga ay pinagana na agad ang mga aircondition at may naka-stadby rin na medical staff.

Read More:  Mother nabbed in drug bust, 3 children left with neighbors

Para kay Ligad ay maaaring may ibang dahilan kung bakit hinimatay ang mga bata.

“Ang dami nila tapos almost 3 hours ‘yung call time nila baka ang iba hindi na nakapag-tanghalian , sana ma-consider din ang part na ‘yun.

“Sa ngayon sir may 3 centralized air-conditioning units po ( nakalagay sa uppero floor) plus 12 floor mounted aircon ( nakalagay sa baba) ang gumagana po”- dagdag pa ni Jan Charlee Ligad.