Higit sa 18,000 mga personnel, itatalaga sa inagurasyon ni Marcos

Aabot sa 18,339 ang kabuoang bilang ng mga personnel mula sa mga security agencies at iba pang force multipliers ang ipakakalat para masiguro ang seguridad sa inagurasyon ni President-elect Bongbong Marcos sa Huwebes.

Ayon kay National Capital Region Police Office spokesperson Lt. Col. Jenny Tecson binubuo ito ng 13,846 personnel mula sa NCRPO; 1,061 sa PNP support units; at 3,432 mula sa iba pang ahensya at mga force multipliers.

Read More:  Ombudsman denies political motive behind cases vs Sen. Jinggoy

Bago ito, una nang hinikayat ng PNP ang mga magra-rally na ‘wag na lamang magpumilit pang pumasok sa National Museum.

Read More:  Sen. Jinggoy Estrada surrenders to CIDG

Ayon kay PNP Directorate for Operations Maj. Gen. Val de Leon, itinalaga ang tatlong mga freedom parks para makapagprograma pa rin ang mga raliyista nang hindi nakagugulo sa security plan sa National Museum.

Kabilang na rito ang Liwasang Bonifacio, Plaza Dilao at Plaza Miranda.
#