CAMARINES NORTE- Iniulat ng Department of Health na nasa “high risk” na ang COVID ward beds sa lalawigan ng Camarines Norte.
Sa isinagawagang COVID- 19 ulat sa bayan nitong Lunes, inihayag ng DOH- Bicol na nasa 71 % na ang utilization rate ng Covid ward beds sa lalawigan habang nasa below moderate risk naman ang isolation at ICU beds.
Sa kabuuan, nakapaglaan ng 131 beds for COVID ang probinsiya at 73 dito ang nagamit o katumbas ng 56 % utilization rate.
Sa datos din ng ahensiya pumalo na sa 1, 615 ang kabuuang kaso ng sakit sa lalawigan na mayroon ngayong nasa 328 ang aktibong kaso.
Ang dami umano ng mga nagpopositibo sa sakit ay dahil din sa ginagawang contact tracing initiatives ng mga contact tracers kung saan sinusuyod umano ang mga dapat i- contact trace at kunan ng samples sa ika lima hanggang ikapitong araw lalo na kung asymptomatic.

