Maynilad, magsasagawa ng water service interruptions simula ngayong araw sa ilang parte ng Quezon City

Simula ngayong araw hanggang sa susunod na Martes ay magsasagawa ng water service interruption ang Maynilad sa ilang parte ng Quezon City dahil sa isang network maintenance.

Kaugnay nito, isasarado ang ilang daan at highways sa QC dahil sa nasabing maintenance activity.

Ilan sa mga lugar na makararanas ng nasabing water interruption service sa QC ang Sta. Monica (sa may Vil Verde), Bungad at Veterans (sa may Saleng corner Payna) at San Antonio (sa may De Jesus corner Roosevelt).

Tiniyak naman ng water service provider na magiging available ang mga water tankers sa mga magiging apektadong lugar ngunit pinaalalahanan niya pa rin ang mga ito na mag-imbak.

Read More:  Flood control probe pushes through, Baligod and 18 ‘Ex-Marines’ invited

Samantala, dalawang treatment plants naman sa Pututan, Muntinlupa ang isasailalim sa isang shutdown mula ngayong Agosto hanggang Setyembre upang maisaayos ang pagtagas ng ilang inlet pipe na nagdadala ng tubig sa reservoir.