Hinikayat ng isang Maritime Law Expert ang publiko maging ang pamahalaan na paingayin pa ang usapin sa karagatang sakop ng bansa kagaya ng usapin sa West Philippines Sea.
Sa panayam ng Brigada News FM kay Atty. Jay Batongbacal isang Maritime Law Expert, sinabi nito na kailangan nating makakuha ng suporta sa ilan pang malalaking bansa kontra sa China na hindi tumatalima sa iniaatas ng arbitral tribunal.
Ayon kay Atty. Batongbacal, hindi pa nakakarating sa ibang mga leader ng ibang bansa ang ginagawa ng China sa WPS na tila namang pinahagingan nito ang nakalipas na administrayon na aniya pinagtatakpan pa.
Una rito, inginiit ni DFA Sec. Enrique Manalo ang mariing pagsunod sa 2016 arbitral ruling sa United Nations General Assembly (UNGA) na makatutulong payapa ang Indo-Pacific Region ngunit ayon sa China hindi UN ang tamang forum para hatulan o desisyunan ang mga isyu tungkol sa South China Sea.