Pag-gamit ng AI sa sistema ng Edukasyon, dapat munang pag-aralang mabuti ayon kay VP Duterte

Binigyang-diin ni Vice President at Education Secretary Sara Duterte na dapat munang pag-aralang mabuti ang sistema ng artificial intelligence (AI) sa Kagawaran ng Edukasyon bago ito implementa.

Giit ni Department of Education (DepEd) Sec. Duterte na mas kailangan na pagtuonan ng pansin ang communication skills, collaboration at creativity ng mga estudyante kaysa sa makabagong teknolohiya.

Hinikayat rin ng Kalihim ang mga policy makers at eksperto na magkaroon ng katiyakan sa mga umuusbong na teknolohiya sa digital education para hindi ito magdulot ng takot sa mga hindi aware sa aspetong ito.

Dagdag pa ni VP Duterte, ang pagdating ng AI ay lilikha ng isang “paradigm shift” sa edukasyon, kung saan dapat lamang itong gamitin sa layuning mapabuti ang access ng mga mag-aaral sa de-kalidad na edukasyon.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *