Usapang “responsible mining”, tinalakay sa 2024 stakeholders forum

Tinalakay sa 2024 Stakeholders Forum na isinagawa ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) – Mines and Geosciences Bureau (MGB) ang mga iba’t ibang mga usapan na may kaugnayan sa pagmimina kabilang na rito ang mga responsableng pamamaraan.

Sa paunang salita ni Engr. Rommel Amogan, ang Chief ng Mine Safety, Environment, and Social Development Division ng MGB R02, malaki aniya ang responsibilidad ng iba’t ibang mga mining companies sa pagpapanatili ng kaayusan at pag-aalaga sa ating kalikasan.

Pinag-usapan din sa nabanggit na forum ang mga mekanismo at mga pamamaraan ng mga mining companies sa pagiging responsableng kumpanya hindi lang sa kalikasan kundi maging sa lipunan.

Kabilang na rito ang suporta ng mga mining companies sa komunidad sa usapang disaster management, ang pagpro-protekta sa mga mining communities at mga indigenous people, at ang pagkakaroon ng sustenableng hanap-buhay sa pamamagitan ng social enterprise.

Bukod sa mga ito, tinalakay naman ni Forester Enrique Pasion, PENR Officer ng Cagayan ang impak ng climate change at kung ano-ano ang mga mitigation strategies na maaaring gawin.

Ang 2024 Stakeholders Forum ay mayroong tema na “Elevating Responsible and Sustainable Mining towards Stronger Community Partnership” na dinaluhan ng nasa higit 700 delegates mula sa ibat’t ibang sektor sa Lambak ng Cagayan.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *