Tamang presyo ng mga bilihin, tinalakay

Tinalakay ng Local Price Coordinating Councils ng Alicia, Aurora at Quezon katuwang ang Department of Trade and Industry Isabela ang tama at stable na presyo ng mga pangunahing bilihin.

Ipinaliwanag ng DTI Isabela Consumer Protection Division ang mga nakapaloob sa Republic Act 7581 o Price Act at responsibilidad ng LPCC sa pagtiyak ng sapat na supply at tamang presyo ng mga pangunahing bilihin sa oras ng kalamidad.

Read More:  Media groups rally behind journalist Marchel Espina over unjust vexation case

Kabilang sa aksyon na gagawin ng Council upang matiyak ang regular na pagmonitor sa presyo at suplay ng bilihin ay ang pagsasagawa ng Joint Operation Timbangan upang matiyak din na tama at patas ang ginagamit na timbangan ng mga tindero’t tindera.

Read More:  Indigenous farmer saves Philippine Eagle from 30 monkeys in Bukidnon

Sa pamamagitan ng nasabing hakbang ay mapo-protektahan ang mga mamimili.