Kumasa si Vice President Kamala Harris sa mungkahing tumakbong sa presidential election sa Amerika bilang pangtapat kay dating President Donald Trump.
Kasunod ito ng pagbitiw at pag-endorso sa kanya ni US President Joe Biden.

Ayon sa isang political analyst, sakaling matuloy si Kamala ay parang prosecutor vs convicted felon ang labanan ng presidential election sa Amerika.
Nasa momentum ngayon ang kampanya ni Trump matapos ang kanyang assassination attempt pero hindi pa rin aniya maaalis ang pagiging convicted ni Trump.
Kung si Trump ang mananalo siya ang unang magiging convited na Presidente ng Amerika pero sakaling si Kamala ang magwagi siya naman ang magiging kauna-unahang babaeng pangulo ng Amerika.