US troops lilisanin na ang Iraq sa katapusan ng 2021 – Biden

Kinumpirma ni US President Joe Biden na lilisanin ng tropa ng America ang Iraq sa katapusan ng taon bagamat tuloy ang pagsasanay at pagbibigay ng advise sa Iraqi military.

Ang anunsyo ay ginawa ni Biden matapos ang pulong nila ni Iraqi Prime Minister Mustafa al-Kadhimi sa White House.

Sa kasalukuyan ay mayroong 2,500 US troops sa Iraq na tumutulong sa local forces sa paglaban sa mga nalalabing Islamic State group.

Read More:  Thailand shortens visa-free stay for foreign tourists

Matatandaan na naging major issue ang presensiya ng American troop sa Iraqi matapos ang pagkamatay ng top Irania general na si Qasem Soleimani at ang leader ng Iran-backed Shia Muslim militia sa US drone strike sa Baghdad noong nakaraang taon.

Read More:  PH Embassy in Pretoria advises Filipinos to avoid Ebola-affected areas

Dahil dito ay iginiit ng Iran at iba pang political parties ang pag-alis ng lahat ng tropa ng US-led global coalition laban sa IS sa Iraq.

Samantala, inakusahan din ng Shia militias ang America ng pagpapakawala ng daan-daang rockets, mortar at drone attacks sa Iraqi military bases.

Una nang inanunsyo ni Biden na lilisanin na din ng tropa ng America ang Afghanistan ngayong taon.