US rapper Drakeo the Ruler patay sa saksak habang nasa music festival

Patay si US rapper Drakeo the Ruler matapos itong saksakin sa music festival sa Los Angeles.

Ayon sa report, naka-schedule na mag-perdorm sana si Drakeo o Darrell Caldwell sa totoong buhay sa Once Upon a Time in LA festival noong Sabado.

Read More:  PH Embassy in Pretoria advises Filipinos to avoid Ebola-affected areas

Kinumpirma ng kanyang publicist na nasaksak ang rapper sa isang pagtatalo sa backstage bago ang oras nito para mag-perform.

Patuloy pang iniimbestigahan ng mga pulis ang insidente kasabay ng kumpirmasyon na wala pang naaaresto kaugnay sa nasabing insidente.

Read More:  Thailand shortens visa-free stay for foreign tourists

Napag-alamang naitakbo pa sa ospital ang biktima pero idineklara itong patay matapos ang ilang oras dahil sa tinamo nitong sugat.

Hindi naman itinuloy ng mga organizerz ang iba pang performance sa show matapos na malaman ang insidente sa backstage bilang respeto sa biktima at iba pang sangkot.