₱14.5-M ayuda naipamahagi na sa mga LGUs na naapektuhan ng bagyong Odette – DSWD

Inihayag ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) na nasa mahigit ₱14.5-M halaga ng ayuda na ang naipamahagi sa mga local government units na dinaanan ng bagyong Odette.

Ayon kay DSWD Spokesman Dir. Irene Dumlao nagpapatuloy pa ang kanilang koordinasyon sa mga LGUs upang maihatid ang karagdagang mga tulong.

Read More:  Cayetano seeks Senate approval for Estrada, Marcoleta trial participation

Patuloy din umano ang paghahatid ng mga food packs ng kanilang mga field offices sa Regions 10, 11 at 12 pati na sa Western Visayas, Eastern Visayas at MIMAROPA.

Inaasahan naman ng DSWD na nakarating na sa Dinagat Islands at Siargao ang paunang tig-limang-libong food packs.

Read More:  2 reported dead as Inday-enhanced monsoon hits Mindanao

Aminado si Dumlao na isa sa mga hamon na kinakaharap nila ay ang komunikasyon sa mga LGUs dahil maraming mga lugar na sinalanta ng bagyo ay bagsak pa rin ang linya ng kuryente at mga telco sites.