Extraction program ng SMI, phase by phase na

KORONADAL CITY- MAGIGING phase by phase na ang extraction program ng Sagittarius Mines Incorporated o SMI sa bulubunduking bahagi ng Tampakan.

Ito ay batay sa revised production plan ng kompanya na ipinresenta ni Roy Antonio, corporate linkages manager ng SMI sa isinagawang session ng Sangguniang Panlalawigan.

Inihayag ni Antonio na ¼ lang ng original plan na 9,500 hectares ang kanilang gagalawin sa loob ng 10 taon sa Phase 1 ng proyekto kung saan 15 million tons ng deposits ang inaaasahang makukuha.

Sa pamamagitan ng phase approach, minimal lang umano ang magiging environmental impact nito at mining footprint.

Read More:  2 former NPA members surrender in Eastern Samar, Negros

Inaasahan namang tatagal ng 30 taon ang Tampakan project kabilang na ang Phase 2 at Phase 3.

Inilatag din ng opisyal ang mga kontribusyon ng SMI sa ekonomiya ng bansa kahit hindi pa ito nakakapagsimula ng commercial operation.

Ayon kay Antonio na nakapag-invest na ang kompanya ng P 32 billion mula noong 1995.
Umabot na rin sa P 2.6 billion ang naibayad na tax ng SMI mula noong 2004 kung saan malaking bahagi nito ang napunta sa national government.

Sa Phase 1 ng operasyon ng SMI, nasa P 76.6 billion na buwis aniya ang posibleng mapunta sa national government habang P 4.8 billion naman sa mga local governments.

Read More:  He could have built software. Instead, he joined a revolution

Makakatanggap naman ang mga indigenous people sa lugar ng royalties na katumbas ng 1% percent ng gross company earnings na nagkakahalaga ng P6.6 billion sa unang 10 taon ng proyekto.
Sa kabila nito, mariin pa rin ang pagtutol ng Simbahang Katolika sa pagmimina sa Tampakan.

Ayon kay Bishop Cerilo Casicas na makakasira sa kalikasan ang pagmimina ng SMI na gagamit ng open-pit mining method. Malaki din aniya ang magiging epekto nito sa produksyon ng mga magsasaka sa lowland areas.

Umapela din ang Obispo sa mga SP members na pag-aralang mabuti at huwag madaliin ang isinusulong na amendment at pag-lift sa open pit mining ban na nakasaad sa Environment Code.