US Pres. Biden, posibleng pagbawalang mag-komunyon dahil sa isyu ng abortion

Pagpapasyahan ng US Catholic Bishops kung hihilingin nila kay President Joe Biden na tigilan nito ang pagtanggap ng banal na Komunyon.

Ito ay dahil sa pagpabor at paggiit sa advocacy ng abortion rights.

Sinabi ni Archbishop Joseph Naumann ng Kansas city na magdudulot ng kalituhan ang mga pahayag ni Biden na isa siyang debotong Katoliko pero hinahayaan naman niya ang ilang bagay na taliwas sa turo ng simbahan.

Read More:  Thailand shortens visa-free stay for foreign tourists

Kaugnay nito, oras na maaprubahan ng USCCB ang dokumentong inhanda ng mga obispo, hindi na dapat tumanggap ng komunyon si Biden at iba pang Catholic public figure na may parehong pananaw sa aborsyon.

Read More:  PH Embassy in Pretoria advises Filipinos to avoid Ebola-affected areas

Nagsimula ang pagbuo ng dokumento kasunod ng kautusan ni USCCB President Archbishop Jose Gomez ng Long Angeles na bumuo ng working group para i-address ang anila ay “complex and difficult situation” sa pananaw ni Biden sa abortion at iba pang issue na salungat sa turo ng simbahan