US nangakong magdodonate ng 50-M doses vaccines sa mga developing countries

Nangako si US President Joe Biden na magdo-donate ang kanyang bansa ng 50-million doses ng Pfizer vaccine sa mga developing nations sa susunod na taon.

Sa virtual COVID-19 summit na sideline ng UN General Assembly, sinabi ni Biden na magiging “arsenal of vaccines” ang US.

Ayon sa mga experts, tinatayang mahigit 11 billion doses ang kailangan na bakuna para sa 70% ng global population.

Inihayag naman ng World Health Organization na minimum target nito ang 40% vaccine coverage sa bawat bansa sa katapusan ng 2021.

Gayunman, base sa data ng University of Oxford, mahigit kalahati pa lamang ng populasyon ng mga mayayamang bansa ang nabigyan ng unang dose habang 2% pa lamang ng populasyon ng mga low-income countries ang nakatanggap ng unang dose.