Limang mga probinsiya sa Luzon ang tinukoy ng OCTA Research group na mga provinces of major concern.
Ayon sa OCTA, ito ay dahil sa critical level of COVID-19 incidence rate, ICU utilization at positivity rate sa lugar.
Kabilang sa mga tinukoy ng OCTA ang Isabela, Cagayan, Benguet, Bataan at Laguna.
Ayon sa data, naitala sa Benguet ang pinakamataas na Average Daily Attack Rate o ADAR na 53 cases sa bawat 100,000 population.
Kasunod nito ang Cagayan na mayroong 37.79; Isabela na may 36.43, Bataan na may 30.25 at ang Laguna na may 25.69.
Sa nasabing bilang, ang Isabela ang nagtala ng pinaka-kritikal sa ICU beds kung saan naabot na nito ang 94%, sinundan ng 92% ng Bataan, 90% ng Benguet; 87% ng Cagayan at 87% din ng Laguna.
