US, magbibigay ng karagdagang $500 million military aid sa Ukraine

Magbibigay ng karagdagang $500 million military aid ang US sa Kyiv bilang pagsuporta sa Ukraine laban sa Russia.

Kabilang sa military package ang ground vehicles, Stryker armored personnel carriers and ammunitions para sa High Mobility Artillery Rocket Systems.

Read More:  Malacañang distances itself from US campaign against ICC

Sa kanyang Twitter post, nagpasalamat si Ukrainian President Volodymyr Zelensky kung saan binanggit nito ang mga ipinaabot na tulong ng US.

Read More:  Thousands evacuated in Taiwan as Typhoon ‘Bavi’ approaches

Ang naturang security assistance package ay pang-41 tulong na naaprubahan ng US sa Ukraine kung saan umaabot na ng higit sa $40 billion ang naipaabot na tulong mula nang magsimula ang paglusob ng pwersa ng Russia noong February 2022.