Vice Ganda, naramdamang ‘casualty’ ang ‘Its Showtime’

Inamin ng ‘It’s Showtime’ host na si Vice Ganda na naramdamang niyang ‘casualty’ ang programang ‘It’s Showtime’ sa tensyon sa pagitan ng Tito Sotto, Vic Sotto, Joey de Leon (TVJ) at ng production company na TAPE Inc.

Sa pahayag ni Vice sa Youtube vlog nito ay inihalintulad niya sa pagtama ng kanyon ang nangyari sa ‘It’s Showtime’.

“‘Yun talaga ‘yung unang naramdaman namin, parang, tayo ‘yung casualty nung naging problema nung TVJ tsaka ng Eat Bulaga… Parang tayo ‘yung tinamaan ng mga kanyon na binala nila.’ ‘Yun ‘yung unang naging damdamin namin,” ani ni Vice.

Gayunpaman, sinabi niyang wala siyang sama ng loob sa TV5 network at sa TVJ lalo na’t hindi naman nila pwedeng sisihin ang TVJ dahil lahat naman sila ay gusto lamang makapagtrabaho.

“Lahat kami may ipinaglalabang programa, lahat kami may ipinaglalabang audience na gustong pagsilbihan,” dagdag ng TV host.

Maaaalalang kamakailan lamang ay inanunsyo ang paglipat ng programa ng TVJ sa TV5 at kalaunan ay inanunsyo naman ang paglipat ng It’s Showtime sa GTV ng GMA.

Kahapon, opisyal nang pumirma ng kontrata ang noon time show sa GTV.//AC